Sa darating na dalawang taon – ipagdiriwang ng Arashi ang kanilang ika-15th anibersaryo.
Para sa nasabing pagdiriwang, gusto natin maghanda ng magandang sorpresa para sa ating mga idolo, kung saan puwedeng sumali kahit sino para sa malaking proyekto na ito.
Ang unang layunin ng ating proyekto ay ang paggawa ng DVD na ipapadala natin sa Arashi sa oras na ito ay matapos bago ang kanilang anibersaryo.
1. Ano ang ating pangunahing dahilan sa Paggawa Ng Proyektong Ito?Gutso naming gumawa ng isang paglalakbay o balik-tanaw sa pamamagitan ng mga nakalipas na 15-taon ng Arashi, itutok natin ito sa:
- Bakit espesyal ang Arashi?
- Aling mga kaganapan ang particular na nakadikit sa iyong isipan?
- Ano ang naibigay sa ‘yo ng Arashi?- Paano kayo tinulungan ng Arashi?
- Saan kayo nakikinig sa Arashi? (Baka habang nagbibiyahe o naliligo… hahaha)
- Kelan kayo nakikinig sa Arashi?
- Lyrics na dumikit sa iyong isip o nakatulong sayo?
Ito ang unang bahagi kung saan ang lahat ay puwedeng lumahok. Mangyari lamang na pag-isipan natin ang tungkol dito, at maari ninyong ipahayag o isulat ang lahat sa dulo ng mensahing ito.
2. Ang ating layunin ay ang nasabing DVD at para dito may mga balak para sa ilang maliliit na proyekto.Meron na tayong tatlong ideya ngunit kailangan pa nating ng MARAMI o KARADAGANG ideya!
Sa ngayon, ang plano ay:
- Arashi Fan-Song ( example: sariling gawa na lyrics, sariling gawa na musika)
- CM (Halimbawa: Ang pinakamahabang fan letter sa mundo/ Pagbati sa Arashi sa iba’t-ibang wika)
- Kumpetisyon, halimbawa, kung sino sa Arashi ang may pinakamagandang mata.
Dito natin magagamit ang ating isipan o saloobin para makatulong sa paghahanap o pagbuo ng karagdagang ideya na maaring ninyong ipahayag sa dulo ng mensahing ito.
3. Sa ngayon, kinokolekta namin ang mga ideya para sa proyektong ito.Sa huli, sa pagboto, magkasama tayong magpapasya tungkol sa kung ano ang gusto nating ipatupad. Tunkol sa mensahe #1 & #2, mangyaring sundin ito ( link sa form, sa ngayon maari ninyong tingnan ang isa pang dokumento) at punan ang aming mga katanungan, bigyan kami ng mga ideya, sabihin sa amin ang tungkol sa inyong masasayang karanasan sa/tungkol sa Arashi.
———— Nangunguna ————
Amayalikesonja (Amaya) (Ger,Eng)
andreja1989 (Anny)(Ger,Slo,Eng)
janinebr (Janine) (Ger,Eng)
vikyfaxerfeit (Viky) (Eng, French, Italian, Ger)
sushi4ever (Mari)
niinochan (Amu)
———— Paano Natin Maibibigay Ang DVD Para Sa Arashi?!?!?! —————
Ang mga posibleng paraan:
- Family Club sa Shibuya (baka may isang tao na nakatira sa Japan at kaya itong ibigay ng personal.)
- fanletter para sa mga radio shows nila
- ipadala sa Aiba Family restaurant
- sumulat muna sa Jimusho kung saan natin ipapakilala ang ating proyekto
————— Ang Hinahanap Natin:————--
Ang mga tagasalin, kung sinong makakatulong sa amin na makasalin sa ating proyekto/ideya sa iba’t
-ibang wika para maraming maraming fans ang maaring sumali at lumahok dito.
Maaari kayong tumulong sa amin na lumikha ng isang natatanging regalo para sa isang natatanging banda.
Translation credit: chesutoberry@LJ and raene_9@LJ